Nakakatuwa. Ganito pala ang pakiramdam ng nagsusulat sa Pilipino para sa lahat ng mga kaibigan na dumadalaw dito sa aking blog. Ang buong pamamaraan ng pag-post dito sa blogger ay may bersiyon na sa Pilipino.
Bigla kong naalala nung hindi naman katagalan kong nakaraan na nagsulat ako ng mga memorandum sa Pilipino. Hindi kasi maintindihan ng mga manggagawa sa pabrikang pinagtatrabahuan ko ang wikang Ingles. Iniisip ko noon kung paano ko gagawin yon. Hindi ako matatas sa wikang Pilipino...sa totoo at tamang paggamit ng Pilipino. Pero sinikap ko. Maski na nagkabalu-baluktot ang aking daliri sa pagta-type at utak sa pag-isip ng tamang salitang gagamitin.
Ngunit huwag mag-alala mga kaibigan. Ngayon lang ito. Hahaha!!! Salamat sa Blogger team at naisipan nilang isama ang Pilipino sa mga wikang pwedeng gamitin. Nakaka-aliw. At maski sa maliit na paraan kailangan natin ito lalong-lalo na sa panahon ngayon. Mabuhay kayo Blogger team!
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
My attempt at translating my own writing into English. Here goes:
It's heartwarming. So this is how it felt to write in Filipino for all friends who visit my blog. There is now a Filipino version in posting here at Blogger.com.
I suddenly remembered that in my not so distant past I wrote memos in Filipino. The workers in the factory I was working at did not understand English. At that time, I kept thinking how was I going to do it. I was and still is not fluent in Filipino... the real and right way of writing in Filipino. But I kept at it. Even if my fingers got twisted typing and my tongue as well from thinking about the right words to say.
But don't worry my friends. This is only for today! hahaha! Thanks to the Blogger team for including Filipino in the language list. It's fun. And we need every bit and kind of fun especially in these challenging times. Mabuhay Blogger Team!!
No comments:
Post a Comment